May bago akong love story na ikkwento
Hindi mo pa naririnig ang storyang gaya nito
Walang Ibong Adarna,
Walang mamatay,
Happy ending kung mag ending.
Hindi naman ako isang stalker.
Hindi ko nga alam anong Facebook mo,
Kahit na sabihin natin,
Na gusto na kitang makilala.
Hindi kaya ng puso kong ito.
Hindi naman ako nagtetext sayo.
Hindi ko nga alam anong number mo.
Kahit na sabihin pa natin,
Na gusto kitang kausapin
Hindi kaya ng puso kong ito.
Isang dalagang nagnanais mapa-sa'yo
Isang dalaga lang naman ang tulad ko
Sino nga naman ba nanaising piliin?
Isang lalaking nakangiti
Isang lalaking hindi masasabi
Sino nga naman ba makaaalam ng aking damdamin?
Sa panaginip ko ,ikaw si Prince Charming
Pero mas bida ka do'n.
Sabay tayong lalaya sa pagkabihag.
Sa panaginip ko, ikaw ang dulong istorya
Pero sa tuwing malapit na ang true love's kiss
Saka naman ako magigising.
Isang dalagang nagnanais mapa-sa'yo
Isang dalaga lang naman ang tulad ko
Sino nga naman ba nanaising piliin?
Isang lalaking hindi ko pa masabi kung sino
Isang lalaki din ang bibihag sa puso ko
Sino nga naman ba ang darating sa aking bukas?
Alam ko lang ang love story na 'to ay may susunod pa.
xxx,
K <3
insipid or inspired who cares? I just want to write. Do not go easy on me. Even if that was in native tongue one should still keep a sharp eye. There will always be room for improvement.
No comments:
Post a Comment